Mga Pahina

Huwebes, Nobyembre 29, 2012

BUHAT.HAGIS.SALO



ok dip on 5!
1.2.3.4
DIP!
6.7. Catch!

Mga katagang madalas mong marinig kapag may isang grupo ng extraordinaryong mga nilalang ang nageensayo. Masasabi kong hindi pala madali ang pagiging parte ng isang cheering squad kaysa sa aking inaakala. Noong una, akala ko ay walang tigil na pagsayaw at pagtumbling lamang ang kakailanganin upang masabi mo na isa ka na ngang ganap na miyembro ng isang cheering/pep squad, ngunit nagkamali ako. Di ko inakalang tonetoneladang sakit ng katawan ang aabutin namin(lalo na ang mga lifters). Nariyan na ang masuntok ka sa ilong, masipa ka sa bibig, makalmot sa muka at maupuan sa leeg(na talaga namang napaka sakit). Naaalala ko pa nga noong tinuturuan namin ang lahat ng mga babaeng miyembro ng aming koponan na magelevator(isa itong cheering stunt kung saan nakatayo ang babae sa kamay ng dalawang lifter nya.). Akala ko ay ayos lang ako, ngunit pag uwi ko nakita ko na napakarami ko palang pasa sa katawan at may bonus pang kalmot sa mukha. Imbis na umayaw na at sabihing "quit na ako,pinaparusahan ko lang sarili ko dito eh" lalo pang umigting ang damdamin ko sa pagbutihin ang lahat ng ginagawa namin. Nasanay na lang ako sa pasimpleng pagbugbog ng mga flyers namin sa aming mga lifter(hahaha joke lang). Sadyang nakakawala ng pagod kapag nakikita mo na nabubuo nyo ang isang routine, lalo na kapag may mga pyramid na. 

Inaamin ko na noong kami ay nagpa audition para Green Peppers(eto yung official pep squad ng nursing sa UST) mejo nalungkot ako dahil kaunti lamang ang interesado. Sa katunayan nga ay tatlo lamang ang pumunta sa unang araw ng auditions. Nakalulungkot din na halos puro babae ang sumali, merong din namang mga lalake ngunit sobrang kulang. Pero dahil sa kagustuhan naming gumawa ng isang malaking pagbabago, sinikap namin na makahanap ng mga lalaking pwedeng maging lifter ng aming koponan. Sa wakas ay nakabuo kami ng isang grupo na babago sa paningin ng nursing sa kung ano ba ang pepsquad. Nasanay kasi sila na panay drummers at cheerers lang ang bumubuo sa pepsquad ng nursing. Kaya lahat ay nagsasabi na  ito ang unang pagkakataon na magkakaroon ang UST-College of Nursing ng  isang pep squad na talagang sumasayaw at gumagawa ng mga pambihirang stunts.




Sa opening day ng Nursing Cup unang nagpamalas ng galing ang Green Peppers na talaga naman kinagiliwan ng kolehiyo. Oo nga at masasabing baguhan pa lamang ang marami sa amin ngunit di naman ito nakahadlang para maipakita namin na hindi lang kami Nurse ngunit atleta din kami.

Noong ikalawang pagkakataon na kami ay magtatanghal para sa pagtatapos ng nursing cup nagkaroon kami ng problema dahil hindi nagkakatugma ang schedule ng aming mga klase kaya naman noong umaga ding iyon,saka pa lamang namin inensayo ang pangalawang pyramid na tinuro ng aming coach(we love you kuya zar!)



                                                                                  SWEDISH!


alam kong marami pang mararating ang grupong ito ng nursing, konting hasa at ensayo pa at mas huhusay pa kaming lahat. Kaya naman sobrang proud akong maging parte nito! mga batang kahit pagod sa pagaaral ay may lakas pa rin na sumayaw ,mag tumbling at magbuhat! Let's go NURSING!




Martes, Setyembre 25, 2012

"masakit talaga, di maipaliwanag"






Kanina habang nakikinig ako ng radio show sa aking paboritong istasyon, may isang babae ang humihingi ng payo ukol sa problemang kinakaharap nya. Mag aanim na buwan na daw sila ng kanyang boyfriend na nakilala lamang nya sa isang social networking site. Naging mabuti naman ang pakikitungo nila sa bawat isa. Hindi ko na ikkwento ng buo kasi di naman yun ung focus ko ehh haha. Ayon sa dalaga iba raw ang pakiramdam ng nagmamahal at minamahal(kung talaga ngang minamahal sya). Kaya naman pagkagising nya isang araw nakita na lamang nya sa tinurang social networking site na binura na sya ng lalaki sa friends list nya. Tawang tawa ako kasi diba? bakit ka magmamahal ng taong di mo pa nakikita at sa isang virtual space lang kayo nagkakausap. Di ko napigil ang sarili ko at nagtext para makapag komento. Sabi ko sa text ay "nako ang arte naman ng caller sa radio pa umiiyak". Maswerte ako at nabasa ng DJ ang aking komento. Di naman nag atubiling sumagot ang caller at sinabing "di naman ako umaarte eh, siguro di pa nararanasan nyang nagcomment tong dinadanas ko ngayon, sa mga walang lovelife jan kakainin nyo rin ung sinasabi nyong kaartehan lang ang pag iyak kapag broken hearted,masakit talaga, di maipaliwanag. Mararanasan nyo rin to, tapos saka nyo sabihing kaartehan lang". Tila ay sinampal ako ng taong di ko kilala. Binalot ako ng hiya sa loob ng ilang segundo. Tumakbo sa isip ko ang maraming bagay. Ngunit nakuha ko pang magpost at pagtawanan ang sinabi nya. Pero sa pag lipas ng ilang minuto sumagi nanaman sa isip ko ang sinabi nya. Totoo nga naman siguro ay di ko pa dinanas ang pinag dadaanan nya kaya malakas ang loob kong libakin sya sa kanyang estado, malakas ang loob kong pagtawanan sya sapagkat di ko pa nararanasan ang umibig at masaktan(ewww super cheezy na neto). Ano nga kaya ang pakiramadam ng broken hearted no? parang masakit na ipin kaya yun? yung kahit anong gawin mo nararamdaman mo pa rin, ung di ka makatulog kasi ginigising ka nito?. Nabagabag din ako sa sinabi nya na "mararanasan nyo rin to,tapos saka nyo sabihing kaartehan lang" kasi paano nga kung pagdaanan ko? kayanin ko kaya? ano kayang mangyayari sa akin? gaano katagal? ang dami kong tanong, mga tanong na di ko rin masagot dahil utang na loob sa loob ng 18 years kong pananatili sa daigdig di pa naman ako nainlove o nasangkot sa mga ganyang bagay(hay salamat!). Siguro ay dadating din ako dun, at sana kung mabibigo man ako ay kayanin ko, wala sanang pag iyak na maganap. ayaw ko kasing mapahiya. Pero kung mamalasin at masaktan ng todo ung tipong tatawag din ako sa radio para mag kwento, tatanggapin ko nalang, at aalalahanin ang aral na sinabi ng isang taong di ko kilala pero nakapag pa isip sa akin ng sobra. Kaya kung sino ka man salamat, dahil sa pagiyak mo(kaartehan) napagisip mo ako ng mga bagay bukod sa pag sayaw, pagaaral at pag lalakwatsa. May bago pa akong blog entry! hahha. 



*Hindi po ako inlove, talagang napukaw lang ng isyu na yan ung atensyon ko.

Lunes, Setyembre 24, 2012

Kris Oliver A. Estares RN.MD.


"but I have promises to keep, yes, promises to keep"

Ako ung batang lumaki sa ospital. Lumaki sa ospital hindi dahil doctor o nars ang mga magulang ko. Lumaki ako sa ospital dahil halos sa buong buhay ko noong elementarya ay pinahihirapan ako ng aking sakit(chronic bronchial asthma). Noong ako ay umabot na sa ika-4 na baitang sumapit sa buhay ko ang isa sa maituturing kong isang pagsubok sa aking buhay sa pagkat muntik na akong mabulag dahil sa natalsikan ng bubog ang aking kaliwang mata. Akala ng aking magulang ay tuluyan na akong mabubulag. Di ko rin alam kung ano na ang mangyayri sa akin. Basta ipinaubaya na namin ang lahat sa Diyos at sa mga kanang kamay nya sa lupa, ang mga DOCTOR at NURSE. Pagtapos ng napakahabang operasyon di ko na inaasahan na may makikita ako pag alis ng benda sa aking mga mata. Ngunit mali ako. Dininig ng Diyos ang panalangin ng pamilya ko.Lubos lubos ang pasasalamat ko sa kanya. Noon tumatak sa isip ko na kailangan kong maging isang doctor sa aking pag tanda.Wala akong ideya kung gaano kahirap ang lakbayin patungo sa aking pangarap. Basta ang alam ko lang ay gusto ko at gagawin ko. Napakalakas ng dating sa akin ng mga nurse at doctor. May kakaibang pag galang akong nararamdam sa tuwing nakikita sila. Hangang hanga ako sa lakas ng loob nila na hawakan ang buhay ng kung sino man ang nangangailangan. Nang dumating na ang panahong kailangan na naming pumili ng kanya kanya naming direksyon sa kolehiyo ay lalong umigting ang aking pangarap. Sa tuwing ako ay kukuha ng pagsusulit sa mga paaralan lagi kong isinasaisip na dapat ang kukunin kong kurso ay yung pwedeng premed(kursong may koneksyon sa medisina) kaya naman ay pinalad akong mapunta sa UST-College of Nursing(pinaka tinitingalang kolehiyo ng narsing sa pilipinas). Noon naging malinaw sa akin ang dapat kong harapin ngayon unti unti kong tinutupad ang unang hakbang patungo sa pangarap ko. Ang mga salitang tulog at kain ay di mo na masyadong maririnig. Puro puyat, pagod at gutom lang. Kung hindi talaga mahal ng iyong pagkatao ang ginagawa mo susuko ka agad. Pero kung mahal mo ang trabaho mo uuwi ka ng masaya galing sa iyong duty. Ngayon pa lamang ay napakarami ko nang hirap at sakripisyo para sa pangarap na sinasabi ko. Pero bakit ako magrereklamo. Eto ang gusto ko eh, dapat panindigan ko. Wala akong pakielam sa mga nagsasabing di akma o hindi ko kaya ang medisina hihintayin ko nalang ang panahon na maging pasyente ko sila at ipapakita ko na mali lahat ng kanilang sinabi. Ayon sa mga estudyante ng Medisina sa UST talagang napakahirap ng pagdadaanan mo. Doble ang puyat doble ang pagod at doble ang aral. Pero pangarap ko to eh. Bakit ko susukuan? titigil ako kasi sabi nila mahirap?bakit? para mas marami kaming sumuko? haha sa tingin ko ay hindi. Alam kong may mga taong nangangailangan ng dunong ko. May nangangailangan ng pagkalinga ko. Kaya naman eto ako sige lang ng sige. Para maging Kris Oliver A. Estares RN,MD.

Sabado, Agosto 25, 2012

UST-College of Nursing! REPRESENT! next is batch 2013



AUGUST 23, 2012, the day when PRC released the result of NLE or the licensure examination for nurses. It is worth the wait for the thomasian community because UST-College of Nursing took the lead again. The college garnered 99.33% passing which puts it in the 3rd spot of Top performing schools(pero for me #1 dapat the number of passers in one take is far compared to this who made it in the higher spot.),nevertheless it was still a blessing and we thank God for that. The college was even happier when the topnotcher's list was released because our very own Ms. Roxanne Trinity Lim grabbed the top spot(yes top 1 sya sa boards) with the average of 86.20%. Seven thomasian graduates from the same batch also dominated the top 10 list. The joy of the college was full blast. There were media interviews.(nakita ko si Dean sa TV ang cute!).

People may think that passing the boards is easy, well I'm telling you, IT"S NOT!!
though hindi ko pa naman na trtry mag board exams(pero malapit na din) alam ko na mahirap talaga. Trust me, this is a first hand experience. Marami kang aaralin and hindi ka sure kung ano ang lalabas. Mabuti sa kung imememorize mo lang lahat ng lessons, pero that's not the case. Kailangan mag analyze, bawal ang nurse na robot! bawal ang hindi nagiisip. Kaya naman sobrang saludo ako sa mga pumasa. Lalong lalo na yung mga thomasians, sobrang dami nilang sacrifices,imbis na mag sembreak nagaaral sila. Kaya congrats ulit you made us all proud.

Kinagabihan may mga ilang prof. ng college na nagchat sa akin. Some told me to study hard, some said 
"sana maging top notcher ka din" and the worst is some said that our batch was full of pasaway students. I think they were worrying for the standing of the college because our batch is upnext. Though this sounds degrading, still some of the prof. believe in us. Akalain mo may nagsabi na magiging topnotcher daw ako. Naniniwala ako sa TALINO,SIPAG at PUSO ng batch 2013. Hindi man kami ang pinakagigiliwang grupo ng mga magaaral sa college(especially our section) alam namin na makakapasa ang bawat isa, bakit? kasi THOMASIAN kami!

again, LEGGO Batch 2013
LEGGO for 100%

Biyernes, Agosto 24, 2012

Milk Tea, Super sarap! Super healthy



Tea and milk has been always connected to be for those who are sick. They are usually not the first choice when it comes to beverages because of the taste they have. Milk is also not a crowd favorite because of the medical condition some people have, lactose intolerance.

But the time has come for everyone to appreciate the goodness of milk and tea. I can confidently say(as in confident talaga!) that milktea is a trend nowadays. This is very popular especially for those who are near the University belt. In the vicinity of our school we have lots of milk tea stores sprouting like mushroom. The first one that opened was Simple Line milk tea. Honestly when I first tasted milk tea I almost vomit my stomach out(as in nakakasuka talaga, lasang kahoy) because of the woody-leafy-ish taste it has. Actually the milk tea store I stated closed for sometime time, and the reason was still a mystery for me. Years after, the milk tea store opened again with a wider array of choices. And the taste? Oh my golly it was nice!(ang sarap na nya hala!). I loved the flavor caramel milk tea with tapioca. I think they finally figured out how to somehow kill the woody leafy-ish taste. Then after their success few other milk tea stores arose. I also tried other milk teas. Some tasted good, some tasted horrible and some tasted like heaven. Below is my Top 5 milk tea.

In the 5th spot is SERENITEA. Though it tasted just ok for me I was not happy about the price. The price was not congruent to the taste and the experience I had. I am also confused with the flavors they have(nakalagay kasi na flavor nila, OKINAWA,HOKKAIDO, mejo weird walang description di mo tuloy alam kung ano oorderin lalo na kapag 1st time)



going in 4th is HAPPY LEMON. Taste wise ummmmm. It was good, especially the oreo milk tea and cocoa    
with foam cheese. When it comes to price it's worth it naman. Kaso pansin ko lang mejo maliit ung container ng large nila. Un, try nyo. Masarap naman eh.



on the 3rd spot is D'CREAM. Yehes!! very famous to sa aming mga thomasian. May store kasi sila near us. They also offer a wide array of choices,they have coffee,juice and milk tea. Favorite ko ung Chocolate milktea with tapioca nila. Masarap din ung Golden sun. Favorite namin to ng mga classmates ko sobra. Pero once we bought their mejo mali ata ung pagkaka gawa kasi kumulo talaga yung tiyan namin,ewan kung bakit hahaha. Pero masarap sya talaga and once lang naman nangyari. And the best part is mura lang unlike sa iba. 55 pesos makakabili ka na ng Giant size(un ung tawag sa largest nila). Try it ah, affordble naman eh.=)



Landing on the 2nd spot is SIMPLE LINE milk tea. Yes! this is my first milk tea ever, and I am happy that they are expanding. Crowd favorite din to, especially for us thomasians. Because if I'm not mistaken their first store is the one in dapitan at the back of  UST. Sobrang sarap lang neto, lalo na ung caramel tapioca and ung wintermelon nila panalo! and the price?! Winner din, with 80 pesos you can enjoy the goodness of wintermelon with tapioca. Favorite namin to lalo na kapag pagod na kami sa duty. Talagang nakaka replenish ng katawan. Nagdedeliver din sila(ang sweet no?='>). Try it pls masarap talaga. Sweet, but still you can taste the kick of tea.


and the best milktea for me!! GONG CHA. Eto ung milk tea na lasang heaven!hahaha. Ewan pero it tastes so surreal talaga. Not to sweet not to bitter. And the flavor choices is awesome, but i only buy GONG CHA ALISAN WITH PUDDING(syempre stick to one ako!). Crowd favorite din ung wintermelon nila, noong una I thought O.A lang ung mga classmates ko pero when I tried it,,,,,,, OH SHIZZZZ! super sarap nga! basta iba ung gong cha. Di mo na mapapansin kahit magbayad ka ng mahal(120 pesos ung worth ng lagi ko binibili) masarap kasi talaga and ung container nya ang ganda, pwede irecycle,it's hard plastic. Try it pls ang sarap talaga. Kung first time mo mag wintermelon ka para safe. Basta no regrets talaga.


yan ebidensya masarap talaga.

with kyra and bianca,favorite namin talaga to.



That's it! and to end this blog I just want to say that drinking milk tea is not a status symbol(ung tipong pang mga mayaman lang and conyo ung milk tea no it's not .). We do not drink milk tea to appear cool because I know I am already haha. We choose to drink milk tea because of the health benefits we can get from it, instead of having coffee of softdrinks. We go for milk tea. Try it ok.






(i do not own the first five photos, credits to the owner)







Huwebes, Agosto 23, 2012

UAAP CHEERDANCE COMPETITION 2012


Isa sa mga pinakaaabangan sa mundo ng UAAP ay ang cheerdance competition. Ito ay nilalahukan ng walo sa pinaka mahuhusay na pamantasan sa Pilipinas. 


Adamson Pep Squad
ang larawan ay kuha noong UAAP CHEERDANCE 2011




Ateneo Blue Babble Battalion
kuha ang larawan noong UAAP CHEERDANCE 2011
Lumaban sila gamit ang temang bollywood.



DLSU Pep Squad
kuha ang larawan noong UAAP CHEERDANCE 2011
ang kanilang inihandog ay kinagiliwan ng lahat at nagbigay sa kanila ng lugar sa Top 3 ng nasabing patimpalak.




FEU Cheering Squad
nagpamalas ang unibersidad ng isang Indian inspired na pagtatangahal,nabigo man sila na mabawi ang kampeonato. Matagumpay naman silang nakasama sa Top 3 ng patimpalak



NU Pep Squad
malaking pagbabago ang ipinakita ng NU noong UAAP CHEERDANCE 2011 sa kanilang Matador inspired routine. Pinahanga ng koponan ang marami ngunit tila di pa ito sapat para makapasok sila sa pinapangarap na Top 3 spot. Nangangahulugan lamang ito na di na uso ang dehado o llamado. Lahat ay may laban.



UE Pep Squad
Taon taon ay nagpapamalas ang koponan ng University of the East ng malaking pag unlad sa larangan ng cheerdance. Hindi pa man pinapalad na makatungtong ang koponan sa Top 3 sa ngayon alam nating walang imposible. 



UP Pep Squad
Hindi nabigo ang koponan na mapanatili sa kanilang mga kamay ang kampeonato. Sa pangalawang magkasunod na taon ay pinahanga nila ang lahat sa kanilang Madonna inspired routine na nagpamalas ng kanilang gilas sa pag sayaw. Mapapansin din ang kanilang buhok na pare pareho ang kulay, nagpapakita lamang ng kanilang dedikasyon at pagkakaisa.




University of  Santo Tomas Salinggawi dancetroupe
muli ay nagpamalas ng di matatawarang gilas sa larangan ng cheerdance ang 8-time UAAP CHEERDANCE champions noong nakaraang taon, ngunit kinapos sila upang makamit ang pag asang mabawi muli ang korona. "Faith" ang naging tema ng unibersidad na siya namang kinagiliwan ng marami.



Sa darating na Setyembre 22, 2012 magaganap nanaman ang sagupaan ng walong koponan para sa tagumpay na makapasok sa Top 3 o makuha ang kampeonato. Maraming criteria ang pinagbabasehan sa pagbibigay ng puntos. Nariyan na ang gilas sa pagsayaw,pagtumbling,pyramid,tosses pati ang pagchecheer ng sumusoporta sa koponan. Malaki din ang impact kapag maganda ang tema na napili nila. May iba't ibang kahinaan at kalakasan ang bawat koponan. Tulad na lamang ng 3 sa pinakaaabangan sa kompetisyong ito.
Sila ay ang UST Salinggawi dancetroupe,FEU Cheering Squad at UP Pep Squad. Mahuhusay din ang lima pang mga kalahok ngunit sa aking palagay ay nakasanayan na na ang tatlong ito ay talagang tinututukan.


Ang FEU Cheering squad ay binubuo ng mga kalahok na may di matatawarang gymnastic skills. Di maitatanggi na sila ay isa sa may pinaka mahuhusay na atleta sa mundo ng cheerdance sa bansa. Flexible ang mga babae sa kanila na nakkatulong para makagawa ng magagandang pyramid at partner stunts. Ibang klase din ang pagtumbling ng mga lalaking miyembro nila na tila nililipad lang ng hangin.




Pagiging Graceful, gilas sa pagsayaw at kakaibang pyramid naman ang malakas na panlaban ng 8-time cheerdance champion. Di ito nakapagtataka dahil sila ay binubuo ng mahuhusay na mananayaw sa iba't ibang genre. Noong ako ay nakapag training kasama nila noong summer ng 2012, napansin ko na may mga ballerina, gymnast, contemporary,folk at hiphop dancer na miyembro. Ito marahil ang dahilan kung bakit sadyang iba ang karisma ng kanilang pag galaw.






Kakaibang tema at originality naman ang pinakamalakas na sandata ng UP Pep squad,sino ba naman ang makakalimot ng gamitin nila ang pang etnikong sayaw para sa kompetisyon.At nung kamakailan lamang ay si Madonna naman ang naging inspirasyon. Kilala sila sa ka kagiliw giliw na tema na talagang nagdadala ng kakaibang ligaya sa mga manonood. Kaya naman di nakapagtatakang dalawang ulit na nilang nasusungkit ang korona sa dalawang magkasunod na taon.






Kahit ako ay nasasabik na sa tunggaliang magaganap sa darating na Setyembre 22, 2012.
Marami akong naririnig tungkol sa gagawin ng bawat kalahok. Ngunit ang masasabi ko lang ay "tignan natin" mahirap maging kampante sa panahong ito sapagkat bawat isa sa mga kalahok ay talaga namang puspusan na ang paghahanda. Ano man ang maging resulta ng kompetisyon sana ay masaya itong tanggapin ng mga kalahok at mga taga subaybay. Hindi madali ang maging miyembro ng isang cheering squad o pepsquad. Nakakapagod ito at talagang kumakain ng oras. Nasasabi ko ito sapagkat naranasan ko din ito noong ako ay makapagtraining kasama ng UST Salinggawi dancetroupe. Masasabi kong mapalad ako dahil bukod sa pumayat ako dahil sa pagod(sobra promise!) madami rin akong natutunan na magagamit ko para sa sariling pep squad ng aming college(UST-College of Nursing). Saludo ako sa inyong lahat at goodluck galingan nyo!

GO USTE!
GO USTE!
GO USTE! 
GO!
GO!
GO!
GO!
VIVA SANTO TOMAS!
(yan ung famous cheer namin)











(i don't own the pictures, credits to the owners.)







Let's get it on!



"Stop pleasing your neighbor then you will start knowing yourself"



I'm Kris Oliver A. Estares 
from Manila, an awesome nursing student in the Royal and Pontifical University of Santo Tomas.
I live with my parents for the mean time but I swear to move out as soon as I can. Not because I don't want to be with them anymore but because I want to have this independence that everyone is fighting for(hope to have no regrets). Figuratively I almost grew up in the hospital because of  this very clingy condition called Bronchial Asthma which punishes me since 7 months til now. I have a not so big-not so small family. My mother came from Leyte. She moved in Manila when she was 10 years old to study and then she met my father who is a bicolano and the rest is history. 

18 years ago the world was quiet and plain until December 4, 1993. An awesome baby boy was born. I was a big blessing to my family and I admit that. I attended my primary school in EDSES(Epifanio delos Santos Elem. School) this school taught me to wake up very early, like 4:30 in the morning because our class starts at 5:30. What a great training by a humble public school. My parents that time acted as if predators thirsty for award and recognition . I was forced to study very hard. But I think it is true that as we continually do something it becomes a habit and the next thing you know you are awesome like me. So to cut the long story short I was an achiever. I stayed with the star section until I graduated. Things didn't changed  that much as I enter High School. Now it is Saint Anthony School who will take care of me. I wasn't shocked that much as I stayed there because the student population was not that big as well as the school. Still my parent were putting pressure on me. But this time I don't have the feeling of being forced. because as I said earlier it became a habit. I was part of the star section until I graduate, bagged some of the awards for some quarter. The journey was great which made me very attached to my classmates and the faculty. Countless moments of joy was present. Months before I graduated it is fixed in my mind that I will take my pre-medicine course in UNIVERSITY OF SANTO TOMAS. I still took exam in other schools just to have their bag, lanyard or whatever items they have for free as you take an exam. Fortunately I was able to pass and be a part of the best(when i say best I mean the best) Nursing school in the country. I was shocked because the school was very big, as in. Actually I was lost during the first day of class. Academic heartaches happened but managed to survive(no failing marks until now) and until now I am fighting with all my might to graduate for it is not an easy ride to be a Nursing student.

I know I am talented
I sing(well)
I dance(well)
I act(well)
you may get annoyed but hey I am not forcing you to read this. You will not reach this far if you're not interested. I may state something that you will not agree on and I respect that. 
So together let us live LIFE AS WE SEE IT AND LIFE AS WE WANT IT.