Mga Pahina

Huwebes, Nobyembre 29, 2012

BUHAT.HAGIS.SALO



ok dip on 5!
1.2.3.4
DIP!
6.7. Catch!

Mga katagang madalas mong marinig kapag may isang grupo ng extraordinaryong mga nilalang ang nageensayo. Masasabi kong hindi pala madali ang pagiging parte ng isang cheering squad kaysa sa aking inaakala. Noong una, akala ko ay walang tigil na pagsayaw at pagtumbling lamang ang kakailanganin upang masabi mo na isa ka na ngang ganap na miyembro ng isang cheering/pep squad, ngunit nagkamali ako. Di ko inakalang tonetoneladang sakit ng katawan ang aabutin namin(lalo na ang mga lifters). Nariyan na ang masuntok ka sa ilong, masipa ka sa bibig, makalmot sa muka at maupuan sa leeg(na talaga namang napaka sakit). Naaalala ko pa nga noong tinuturuan namin ang lahat ng mga babaeng miyembro ng aming koponan na magelevator(isa itong cheering stunt kung saan nakatayo ang babae sa kamay ng dalawang lifter nya.). Akala ko ay ayos lang ako, ngunit pag uwi ko nakita ko na napakarami ko palang pasa sa katawan at may bonus pang kalmot sa mukha. Imbis na umayaw na at sabihing "quit na ako,pinaparusahan ko lang sarili ko dito eh" lalo pang umigting ang damdamin ko sa pagbutihin ang lahat ng ginagawa namin. Nasanay na lang ako sa pasimpleng pagbugbog ng mga flyers namin sa aming mga lifter(hahaha joke lang). Sadyang nakakawala ng pagod kapag nakikita mo na nabubuo nyo ang isang routine, lalo na kapag may mga pyramid na. 

Inaamin ko na noong kami ay nagpa audition para Green Peppers(eto yung official pep squad ng nursing sa UST) mejo nalungkot ako dahil kaunti lamang ang interesado. Sa katunayan nga ay tatlo lamang ang pumunta sa unang araw ng auditions. Nakalulungkot din na halos puro babae ang sumali, merong din namang mga lalake ngunit sobrang kulang. Pero dahil sa kagustuhan naming gumawa ng isang malaking pagbabago, sinikap namin na makahanap ng mga lalaking pwedeng maging lifter ng aming koponan. Sa wakas ay nakabuo kami ng isang grupo na babago sa paningin ng nursing sa kung ano ba ang pepsquad. Nasanay kasi sila na panay drummers at cheerers lang ang bumubuo sa pepsquad ng nursing. Kaya lahat ay nagsasabi na  ito ang unang pagkakataon na magkakaroon ang UST-College of Nursing ng  isang pep squad na talagang sumasayaw at gumagawa ng mga pambihirang stunts.




Sa opening day ng Nursing Cup unang nagpamalas ng galing ang Green Peppers na talaga naman kinagiliwan ng kolehiyo. Oo nga at masasabing baguhan pa lamang ang marami sa amin ngunit di naman ito nakahadlang para maipakita namin na hindi lang kami Nurse ngunit atleta din kami.

Noong ikalawang pagkakataon na kami ay magtatanghal para sa pagtatapos ng nursing cup nagkaroon kami ng problema dahil hindi nagkakatugma ang schedule ng aming mga klase kaya naman noong umaga ding iyon,saka pa lamang namin inensayo ang pangalawang pyramid na tinuro ng aming coach(we love you kuya zar!)



                                                                                  SWEDISH!


alam kong marami pang mararating ang grupong ito ng nursing, konting hasa at ensayo pa at mas huhusay pa kaming lahat. Kaya naman sobrang proud akong maging parte nito! mga batang kahit pagod sa pagaaral ay may lakas pa rin na sumayaw ,mag tumbling at magbuhat! Let's go NURSING!




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento