AN OPEN LETTER TO 4-4 MY LOVES
(CONGRATS TO ALL)
-lahat kayo may special mention jan!
ilang araw mula ngayon. tapos na ung isa sa mga struggles niyo sa buhay. hindi birong matapos niyo yung nursing ng humihinga pa at nasa katinuan kasi hindi talaga sya madali kaya dahil diyan dapat pinapalakpakan kayo! *clap!clap!clap!
alam nating lahat na ang section natin ay isa sa mga hindi masyadong gusto ng mga prof. pero yun nga, paulit ulit na lang hindi ibig sabihin nun hindi kayo mabuting estudyante at higit sa lahat hindi ibig sabihin nun na hindi kayo mabuting tao. May kakaibang paraan lang siguro ang diyos sa paggawa sa section natin. pinagsama sama nya tayo kasi kailangan natin ang bawat isa. kaya sana take the time para pasalamatan bawat classmate natin. dahil aminin nyo man at hindi. you keep a special moment o kaya memory with them.
hindi naging madali yung apat na taon para sa inyong lahat. may mga oras na gusto mo na lang matunaw sa kinatatayuan mo kasi di mo na alam yung gagawin mo. may mga taong ginawang miserable yung buhay natin. May mga nagpanggap na tutulungan tayo pero sa huli pinaasa lang pala tayo, eto nga ung sabi nya oh! "guys magtutulungan tayo, wlang babagsak!". maraming sakripisyo maraming, maraming pagod, maraming luha pero sa huli kung iisipin mo ikaw din ang makikinabang sa lahat ng ibinigay mo, kaya naman ayan, gagraduate kayong lahat.
maraming pagkakataon na sinubok tayo ng buhay natin, like me alam nyo naman diba. binanggit ko to di dahil gusto ko mag gain ng respect or sympathy from all of you. sinasabi ko to para malaman nyong lahat kung gaano kalaking pagbabago ang dinala nyo sa buhay ko. thank you sa inyong lahat kasi di kayo nagfafail na ipadama sa akin kung gaano karami yung nagmmahal sa akin, ipinaalam nyo sa akin na magaling pala ako sa maraming bagay, tinuruan nyo akong tanggapin na di ko kaya yung buhay mag isa, na ayos lang umiyak, tapos dahil sa inyo naniwala ako sa salitang "tiwala lang". kung wala siguro kayo ewan ko na kung anong nangyari sa akin.
matatapos din ako friends. at sa araw na un. isa kayo sa pasasalamatan ko. promise di ako nagbibiro. sabi ko ayaw ko na magmukang dramatic pero gusto ko talaga gawin tong letter na to para sa inyo. habang isa isa kayong nag uupload ng grad pic di ko maexplain ung saya para sa inyo. congrats sa inyo. malayo ang mararating nyo kasi totoong tao kayo. mkay malasakit sa bawat isa. tutulong hanggat kaya. yan ang section ko! habambuhay akong magpapasalamat kay God kasi binigyan nya ako ng pagkakataon na maging parte ng pamilya na tulad ng 4-4
christian: you don't need more height, your kindness yung importante. naalala ko lahat ng effort mo for vaudeville and you gain so much of my respect
doggi: kahit lagi kang basag sa akin wag kang magagalit ganun ako magmahal hahah.
celine: hi 1st year seatmate, sobrang laki ng ginanda mo since them pero you mange to stay humble. love you!
chloe: hello there miss kpop!
meg: oy te! isa ka sa mga unang friend ko sa section natin remember our taxi ride sa esperanza health, hahha tas videoke after. grabe memory ko no! salamat sa lhat ng libre!
mark: the man with the golden voice,hahah congrats!
mina: though we don't have the chance na magkausap palagi I can say na your not just a pretty face. kind heart din.
ate pat: thank you for being the ate that I need during our duty, thanks for laughing sa lahat ng jokes ko. remember nung umiyak ka na sa sobrang pikon mo sa amin ni mick?haha love you.
jess: isa ka sa mga taong sobrang laki ng respeto ko,kahit madalas kita galitin. naalala ko nung mas inuna mo pa iprint yung biblio ko kesa yung sayo. tapos ikaw yung nahirapan kasi di mo pa naprint yung iyo the you have to go out in the middle of the night to have yours printed?? sobrang love kita dahil dun. tunay na kaibigan! salamat!
dess: naging tambayan ko din ang dorm mo dati together with bea espanol. hahaha
kath: dalasdalasan mo pa ang pag sali sa mga event na mag eexpose sa ganda mo, sayang ehh
sittie: alam mo naman na misinterpreted ka minsan sa class natin diba. pero maniwala ka love ka namin, your a kind person, alam mo yan.
marijille: ikaw na! ikaw na talaga!! hahah the elite kid!
iman: hello there, sayo ko natutunan ang ibig sabihin ng party! dahil sa ingay mo umiyak si maam francisco. grabe ka! haha
jam: pinakamagaling na gitarista ever. dahil ikaw lang ang kayang mag adjust sa maganda kong boses. laging ready to give advise. and isa sa pinaka pinagkakatiwalaan ko.:))
nikki: isa ka pa, sali pa sa mga pageant!
louie: ang matalinong bata, tapos mag gain ka pa ng weight tapos perfect ka na! hahah
pao: daig pa natin ang mag ka rle, nagduduty tayong dalawa ng 5:30am to 6pm. tapos naalala mo ung umuwi tayo ng 2am para lang matapos na ung 40 hours natin dahil sa revalida? we mae it.!!
xands: my baby sister from my old rle. laging may say sa lahat ng bagay kaya namimisinterpret minsan, pero dahil dun love kita!!
janniah: laging inaantok,haha dahil sayo na push akong kumanta hahah ung mga kagaguhan natin sa duty epic. only janniah and kris can do!
adriane: ALIEN!
jonah: yung maliit na bata na may malaking camera, tapos kapag lung sa hapag laging gulay! grabe!!hahah
vane: hello there seatmate! alam kong you know my struggles pero di ka lang nagsasalita kasi laam mong yun ang gusto ko thanks for keeping me sane.
meme: isa ka pa. thanks for the company!! the lunchtime!! matututo ka din sumayaw!
elaine: hi rle mate, thanks for always reminding me with the things I need to do during duty.
vince: dahil sayo naging makulay ang lit class natin, hahah lagi kang basag kay sir hibek, pero that means nag mark ka sa kanya:))
rae: ayun di ko alam sasabihin, pero pagnaguusap naman tayo ang daming nating napagkkwentohan, ang galing no?haha
kevin: witness ako sa tiyaga mo, remember streetdance?? laging tayo lng dalawa pumupunta sa practice hahah. knowing na ang layo ng bahay mo. ikaw na!
mara: iiwan mo kami! I miss your yosi break with mick featuring me. natiis ko ung usok ng sigarilyo nyo grabe haha. yung kagaguhan natin sa OR, esp nung night shift natin shet!! "we got this sir! we got this" remember?? hahaha
atheena: my pepsquad flyer!!haha
dy: my high fashion friend
cheska: ches! were together since day 1!! i never knew that we will be this close. thanks sa lahat ng libre, you made me survive pag wala akong baon. youyr super kind. you will go a long way.!
ana: haha estares,estores,estares,estores hahaha kahit super moody ka love kita alam mo yan!! dahil sayo nalaman ko yung hiden talent ko. dahil din sayo natutunan kong tumahimik minsan lalo na kapag iritable ka.hahaha
kier: hahaha kahit lagi kitang inaasar loves kita lam mo yan!hahah
tine: kahit ilang beses na kitang pinaiyak, alam ko love mo ako hahha. sorry!:))
reuben: ikaw na ang pogi! hahaha
ian: sirrrrrr loa!!
mick: tayo na ang pinaka gago sa duty swear.!! iba tayo ehh!haha
rai: thanks for the constant reminer about everything in life. love you!!
ace: hahaha thanks sa pagtanggap sa pagiging pepsquad. haha
arianne: hoy bicolana! haha one of my closest ever!! haha kahit bulol ka magana pa din haha
eli: hello there! you high fashion friend.
bea&janine: isa ka pinaka matabang tao na nilikha ng diyos, nilikha nya para saluhin ang taba sa mundo. haha love ko kayong dalawa! sobra. kahit lagi ko kayong iniinsulto.hahha salamat for making me feel loves everytime.:))
and lastly sa nagiisang tao na nakahalata sa problema ko sa kabila ng lahat ng tawa at ngiti ko.
Ange...........di ko alam paano magpapasalamat sayo. sobrang laking tulong mo sa buhay ko, lahat naging mas madali dahil sayo. di ka nagsawa sa akin. nung ayaw ko, na pinilit mo akong magpatuloy. salamat sa lahat. ibang klase ka. isa sa mga taong totoo. i love you.
ill be forever a 4-4 Batch 2013
Life as I see it and as I want it.
This blog is made by a superhero, for superheroes
Miyerkules, Marso 20, 2013
Linggo, Pebrero 10, 2013
Priceless :'))
46 na iba't ibang tao
46 na iba't ibang ugali
46 na iba't ibang topak at malalakas na trip
46 na iba't ibang estado sa buhay at pangarap
ngunit may iisang puso para sa isa't isa.
MAGULO..
SAKIT NG ULO..
TAMAD..
MAINGAY..
mga katangiang pilit idinidikit ng ilan sa aming lahat. Masasabing hindi kami ang pinkagigiliwang pangkat sa kolehiyo ng narsing sa UST. Marahil ay di nga nila kami kilalang lubusan.
Sa ilang taon kong kasama ang 45 na taong na hindi ko kamag anak o kadugo di ko kailanman naranasan ang mahusgahan, maapi o maramdamang may kulang sa akin. Di ko malimutan ang walang tigil nilang pagpilit sa akin na sumama sa mga party ng batch namin(di kasi talaga ako pumupunta kasi antukin ako ehh, oo mahilig talaga sa party ang batch namin. At sa bawat party hindi pwedeng walang section 4 na present!). Gusto kasi nila magkakasama ang bawat isa sa tuwing may pagkakataon na mag saya dahil sobrang kinakain ng pagaaral ang aming panahon upang maranasan na kami ay bata pa.
Napakaraming pagkakataon na sinubok ng panahon ang tibay ng bawat isa sa amin. Sa pagluha ng isa, agad agad na mayroong handang lumapit, may handang magtanong, may handang magbigay ng payo at may handang saluhan ka sa problemang dinadala. Ako mismo ay biktima ng mapaglarong pagkakataon, matagal na sinubok ng mga problema. Marahil kung hindi tulad nila ang mga kasama ko ay sumuko na ako. kung may mga taong di magsasawang tutulong sayo ng walang sumbat at walang pagod sino ba naman ang panghihinaan ng loob na magpatuloy sa buhay.
Habang buhay akong magpapasalamat sa diyos at binigyan nya ako ng pagkakataong makasama ang section na nagturo sa akin ng maraming mabubuting bagay. Ang nagbukas sa mga mata ko sa maraming posibilidad sa buhay. Dahil sa kanila lumaki ang kumpyansa ko sa aking sarili. Sakanila ko nalaman na magaling pala ako sa maraming bagay, na marami pala akong kayang gawin. Sila na nagturo sa akin na ipakita na nasasaktan din ako. Tinuruan nila akong tanggapin na hindi ko kaya magisa ang buhay. Dahil sa kanila nalaman ko na mayroon pala akong maituturing na mga totoong kaibigan. Minsan nga ay nasasabi ko sa sarili ko "totoo bang ganito nila ako ka mahal?" ibang klase talaga eh. Hindi ko maipaliwanag ung malasakit na meron sila sa akin. Sila yung nagparamdam sa akin na " kris ok lang umiyak, sige na". At higit sa lahat dahil sa kanila naniwala ako sa salitang "TIWALA LANG!". Tinanggap nila bawat kahinaan ko, lalo na ung duty group ko(both ung una and ung pangalawa). Kahit pinagtatawanan nila ako sa tuwing magdedemo kami ng injection(kasi sa sobrang takot ko di ko talaga mapigil umiyak,kakahiya) meron paring mahigpit na nakahawak sa kamay ko, nagpapaalala na hindi ako iiwan.
Madalas sinasabi ng mga kaklase ko na ako daw ang nagpapasaya sa kanila at sa klase. Pero di nila alam kung gaano din ako ka saya na nakasama ko sila. Eto ata ung unang pagkakataon na sasabihin ko to. Sobrang mahal na mahal ko ung section 4-4. Di kasi ako showy eh. Wala akong ibang ginawa kung di asarin silang lahat, kulitin o kaya guluhin ung mga natutulog. Pero lahat un natiis nila sabi nga nila kapag may mga prof. na nagtatanong kung paano sila nakakatagal sa kulit ko "sanayan lang yan".
Siguro nga may mga magandang bagay na kailangan bigyan ng ending. Kahit nga ung mga magagandang palabas sa T.V, pelikula o kanta may katapusan eto pa kayang pinakamagandang regalo sakin ni papa God. Pinaalam lang nya sa akin lahat ng di ko alam sa buhay ko, tapos sila ung naging way.
Di ko inexpect na magiging ganito kahirap sakin na magpapatuloy ako na hindi ko na kasama ung epic support system ko. Di ko alam kung paano ulit magsisimula ng di sila kasama. Ang dami kong takot. Iniisip ko nalang na maghihiwahiwalay naman talaga kami eh may kanya kanyang pupuntahan. Ang mahalaga nalang sa ngayon ay yung matapos ko yung sarili kong laban. Panghahawakan ko ung lagi nilang sinasabi sa akin na "lagi ka naming hihintayin!"
lalo na ung mga simpleng ganito, tear jerker talaga eh.
Maraming salamat 4-4 my loves. Kung ano mang marating ko sa buhay, malaking part kayo nun promise. Salamat sa paghihintay. Thanks for making me feel loved.
Congrats sa inyong lahat!
I Love You All!
Huwebes, Nobyembre 29, 2012
BUHAT.HAGIS.SALO
ok dip on 5!
1.2.3.4
DIP!
6.7. Catch!
Mga katagang madalas mong marinig kapag may isang grupo ng extraordinaryong mga nilalang ang nageensayo. Masasabi kong hindi pala madali ang pagiging parte ng isang cheering squad kaysa sa aking inaakala. Noong una, akala ko ay walang tigil na pagsayaw at pagtumbling lamang ang kakailanganin upang masabi mo na isa ka na ngang ganap na miyembro ng isang cheering/pep squad, ngunit nagkamali ako. Di ko inakalang tonetoneladang sakit ng katawan ang aabutin namin(lalo na ang mga lifters). Nariyan na ang masuntok ka sa ilong, masipa ka sa bibig, makalmot sa muka at maupuan sa leeg(na talaga namang napaka sakit). Naaalala ko pa nga noong tinuturuan namin ang lahat ng mga babaeng miyembro ng aming koponan na magelevator(isa itong cheering stunt kung saan nakatayo ang babae sa kamay ng dalawang lifter nya.). Akala ko ay ayos lang ako, ngunit pag uwi ko nakita ko na napakarami ko palang pasa sa katawan at may bonus pang kalmot sa mukha. Imbis na umayaw na at sabihing "quit na ako,pinaparusahan ko lang sarili ko dito eh" lalo pang umigting ang damdamin ko sa pagbutihin ang lahat ng ginagawa namin. Nasanay na lang ako sa pasimpleng pagbugbog ng mga flyers namin sa aming mga lifter(hahaha joke lang). Sadyang nakakawala ng pagod kapag nakikita mo na nabubuo nyo ang isang routine, lalo na kapag may mga pyramid na.
Inaamin ko na noong kami ay nagpa audition para Green Peppers(eto yung official pep squad ng nursing sa UST) mejo nalungkot ako dahil kaunti lamang ang interesado. Sa katunayan nga ay tatlo lamang ang pumunta sa unang araw ng auditions. Nakalulungkot din na halos puro babae ang sumali, merong din namang mga lalake ngunit sobrang kulang. Pero dahil sa kagustuhan naming gumawa ng isang malaking pagbabago, sinikap namin na makahanap ng mga lalaking pwedeng maging lifter ng aming koponan. Sa wakas ay nakabuo kami ng isang grupo na babago sa paningin ng nursing sa kung ano ba ang pepsquad. Nasanay kasi sila na panay drummers at cheerers lang ang bumubuo sa pepsquad ng nursing. Kaya lahat ay nagsasabi na ito ang unang pagkakataon na magkakaroon ang UST-College of Nursing ng isang pep squad na talagang sumasayaw at gumagawa ng mga pambihirang stunts.
Sa opening day ng Nursing Cup unang nagpamalas ng galing ang Green Peppers na talaga naman kinagiliwan ng kolehiyo. Oo nga at masasabing baguhan pa lamang ang marami sa amin ngunit di naman ito nakahadlang para maipakita namin na hindi lang kami Nurse ngunit atleta din kami.
Noong ikalawang pagkakataon na kami ay magtatanghal para sa pagtatapos ng nursing cup nagkaroon kami ng problema dahil hindi nagkakatugma ang schedule ng aming mga klase kaya naman noong umaga ding iyon,saka pa lamang namin inensayo ang pangalawang pyramid na tinuro ng aming coach(we love you kuya zar!)
SWEDISH!
alam kong marami pang mararating ang grupong ito ng nursing, konting hasa at ensayo pa at mas huhusay pa kaming lahat. Kaya naman sobrang proud akong maging parte nito! mga batang kahit pagod sa pagaaral ay may lakas pa rin na sumayaw ,mag tumbling at magbuhat! Let's go NURSING!
Martes, Setyembre 25, 2012
"masakit talaga, di maipaliwanag"
Kanina habang nakikinig ako ng radio show sa aking paboritong istasyon, may isang babae ang humihingi ng payo ukol sa problemang kinakaharap nya. Mag aanim na buwan na daw sila ng kanyang boyfriend na nakilala lamang nya sa isang social networking site. Naging mabuti naman ang pakikitungo nila sa bawat isa. Hindi ko na ikkwento ng buo kasi di naman yun ung focus ko ehh haha. Ayon sa dalaga iba raw ang pakiramdam ng nagmamahal at minamahal(kung talaga ngang minamahal sya). Kaya naman pagkagising nya isang araw nakita na lamang nya sa tinurang social networking site na binura na sya ng lalaki sa friends list nya. Tawang tawa ako kasi diba? bakit ka magmamahal ng taong di mo pa nakikita at sa isang virtual space lang kayo nagkakausap. Di ko napigil ang sarili ko at nagtext para makapag komento. Sabi ko sa text ay "nako ang arte naman ng caller sa radio pa umiiyak". Maswerte ako at nabasa ng DJ ang aking komento. Di naman nag atubiling sumagot ang caller at sinabing "di naman ako umaarte eh, siguro di pa nararanasan nyang nagcomment tong dinadanas ko ngayon, sa mga walang lovelife jan kakainin nyo rin ung sinasabi nyong kaartehan lang ang pag iyak kapag broken hearted,masakit talaga, di maipaliwanag. Mararanasan nyo rin to, tapos saka nyo sabihing kaartehan lang". Tila ay sinampal ako ng taong di ko kilala. Binalot ako ng hiya sa loob ng ilang segundo. Tumakbo sa isip ko ang maraming bagay. Ngunit nakuha ko pang magpost at pagtawanan ang sinabi nya. Pero sa pag lipas ng ilang minuto sumagi nanaman sa isip ko ang sinabi nya. Totoo nga naman siguro ay di ko pa dinanas ang pinag dadaanan nya kaya malakas ang loob kong libakin sya sa kanyang estado, malakas ang loob kong pagtawanan sya sapagkat di ko pa nararanasan ang umibig at masaktan(ewww super cheezy na neto). Ano nga kaya ang pakiramadam ng broken hearted no? parang masakit na ipin kaya yun? yung kahit anong gawin mo nararamdaman mo pa rin, ung di ka makatulog kasi ginigising ka nito?. Nabagabag din ako sa sinabi nya na "mararanasan nyo rin to,tapos saka nyo sabihing kaartehan lang" kasi paano nga kung pagdaanan ko? kayanin ko kaya? ano kayang mangyayari sa akin? gaano katagal? ang dami kong tanong, mga tanong na di ko rin masagot dahil utang na loob sa loob ng 18 years kong pananatili sa daigdig di pa naman ako nainlove o nasangkot sa mga ganyang bagay(hay salamat!). Siguro ay dadating din ako dun, at sana kung mabibigo man ako ay kayanin ko, wala sanang pag iyak na maganap. ayaw ko kasing mapahiya. Pero kung mamalasin at masaktan ng todo ung tipong tatawag din ako sa radio para mag kwento, tatanggapin ko nalang, at aalalahanin ang aral na sinabi ng isang taong di ko kilala pero nakapag pa isip sa akin ng sobra. Kaya kung sino ka man salamat, dahil sa pagiyak mo(kaartehan) napagisip mo ako ng mga bagay bukod sa pag sayaw, pagaaral at pag lalakwatsa. May bago pa akong blog entry! hahha.
*Hindi po ako inlove, talagang napukaw lang ng isyu na yan ung atensyon ko.
Lunes, Setyembre 24, 2012
Kris Oliver A. Estares RN.MD.
"but I have promises to keep, yes, promises to keep"
Ako ung batang lumaki sa ospital. Lumaki sa ospital hindi dahil doctor o nars ang mga magulang ko. Lumaki ako sa ospital dahil halos sa buong buhay ko noong elementarya ay pinahihirapan ako ng aking sakit(chronic bronchial asthma). Noong ako ay umabot na sa ika-4 na baitang sumapit sa buhay ko ang isa sa maituturing kong isang pagsubok sa aking buhay sa pagkat muntik na akong mabulag dahil sa natalsikan ng bubog ang aking kaliwang mata. Akala ng aking magulang ay tuluyan na akong mabubulag. Di ko rin alam kung ano na ang mangyayri sa akin. Basta ipinaubaya na namin ang lahat sa Diyos at sa mga kanang kamay nya sa lupa, ang mga DOCTOR at NURSE. Pagtapos ng napakahabang operasyon di ko na inaasahan na may makikita ako pag alis ng benda sa aking mga mata. Ngunit mali ako. Dininig ng Diyos ang panalangin ng pamilya ko.Lubos lubos ang pasasalamat ko sa kanya. Noon tumatak sa isip ko na kailangan kong maging isang doctor sa aking pag tanda.Wala akong ideya kung gaano kahirap ang lakbayin patungo sa aking pangarap. Basta ang alam ko lang ay gusto ko at gagawin ko. Napakalakas ng dating sa akin ng mga nurse at doctor. May kakaibang pag galang akong nararamdam sa tuwing nakikita sila. Hangang hanga ako sa lakas ng loob nila na hawakan ang buhay ng kung sino man ang nangangailangan. Nang dumating na ang panahong kailangan na naming pumili ng kanya kanya naming direksyon sa kolehiyo ay lalong umigting ang aking pangarap. Sa tuwing ako ay kukuha ng pagsusulit sa mga paaralan lagi kong isinasaisip na dapat ang kukunin kong kurso ay yung pwedeng premed(kursong may koneksyon sa medisina) kaya naman ay pinalad akong mapunta sa UST-College of Nursing(pinaka tinitingalang kolehiyo ng narsing sa pilipinas). Noon naging malinaw sa akin ang dapat kong harapin ngayon unti unti kong tinutupad ang unang hakbang patungo sa pangarap ko. Ang mga salitang tulog at kain ay di mo na masyadong maririnig. Puro puyat, pagod at gutom lang. Kung hindi talaga mahal ng iyong pagkatao ang ginagawa mo susuko ka agad. Pero kung mahal mo ang trabaho mo uuwi ka ng masaya galing sa iyong duty. Ngayon pa lamang ay napakarami ko nang hirap at sakripisyo para sa pangarap na sinasabi ko. Pero bakit ako magrereklamo. Eto ang gusto ko eh, dapat panindigan ko. Wala akong pakielam sa mga nagsasabing di akma o hindi ko kaya ang medisina hihintayin ko nalang ang panahon na maging pasyente ko sila at ipapakita ko na mali lahat ng kanilang sinabi. Ayon sa mga estudyante ng Medisina sa UST talagang napakahirap ng pagdadaanan mo. Doble ang puyat doble ang pagod at doble ang aral. Pero pangarap ko to eh. Bakit ko susukuan? titigil ako kasi sabi nila mahirap?bakit? para mas marami kaming sumuko? haha sa tingin ko ay hindi. Alam kong may mga taong nangangailangan ng dunong ko. May nangangailangan ng pagkalinga ko. Kaya naman eto ako sige lang ng sige. Para maging Kris Oliver A. Estares RN,MD.
Sabado, Agosto 25, 2012
UST-College of Nursing! REPRESENT! next is batch 2013
AUGUST 23, 2012, the day when PRC released the result of NLE or the licensure examination for nurses. It is worth the wait for the thomasian community because UST-College of Nursing took the lead again. The college garnered 99.33% passing which puts it in the 3rd spot of Top performing schools(pero for me #1 dapat the number of passers in one take is far compared to this who made it in the higher spot.),nevertheless it was still a blessing and we thank God for that. The college was even happier when the topnotcher's list was released because our very own Ms. Roxanne Trinity Lim grabbed the top spot(yes top 1 sya sa boards) with the average of 86.20%. Seven thomasian graduates from the same batch also dominated the top 10 list. The joy of the college was full blast. There were media interviews.(nakita ko si Dean sa TV ang cute!).
People may think that passing the boards is easy, well I'm telling you, IT"S NOT!!
though hindi ko pa naman na trtry mag board exams(pero malapit na din) alam ko na mahirap talaga. Trust me, this is a first hand experience. Marami kang aaralin and hindi ka sure kung ano ang lalabas. Mabuti sa kung imememorize mo lang lahat ng lessons, pero that's not the case. Kailangan mag analyze, bawal ang nurse na robot! bawal ang hindi nagiisip. Kaya naman sobrang saludo ako sa mga pumasa. Lalong lalo na yung mga thomasians, sobrang dami nilang sacrifices,imbis na mag sembreak nagaaral sila. Kaya congrats ulit you made us all proud.
Kinagabihan may mga ilang prof. ng college na nagchat sa akin. Some told me to study hard, some said
"sana maging top notcher ka din" and the worst is some said that our batch was full of pasaway students. I think they were worrying for the standing of the college because our batch is upnext. Though this sounds degrading, still some of the prof. believe in us. Akalain mo may nagsabi na magiging topnotcher daw ako. Naniniwala ako sa TALINO,SIPAG at PUSO ng batch 2013. Hindi man kami ang pinakagigiliwang grupo ng mga magaaral sa college(especially our section) alam namin na makakapasa ang bawat isa, bakit? kasi THOMASIAN kami!
again, LEGGO Batch 2013
LEGGO for 100%
Biyernes, Agosto 24, 2012
Milk Tea, Super sarap! Super healthy
Tea and milk has been always connected to be for those who are sick. They are usually not the first choice when it comes to beverages because of the taste they have. Milk is also not a crowd favorite because of the medical condition some people have, lactose intolerance.
But the time has come for everyone to appreciate the goodness of milk and tea. I can confidently say(as in confident talaga!) that milktea is a trend nowadays. This is very popular especially for those who are near the University belt. In the vicinity of our school we have lots of milk tea stores sprouting like mushroom. The first one that opened was Simple Line milk tea. Honestly when I first tasted milk tea I almost vomit my stomach out(as in nakakasuka talaga, lasang kahoy) because of the woody-leafy-ish taste it has. Actually the milk tea store I stated closed for sometime time, and the reason was still a mystery for me. Years after, the milk tea store opened again with a wider array of choices. And the taste? Oh my golly it was nice!(ang sarap na nya hala!). I loved the flavor caramel milk tea with tapioca. I think they finally figured out how to somehow kill the woody leafy-ish taste. Then after their success few other milk tea stores arose. I also tried other milk teas. Some tasted good, some tasted horrible and some tasted like heaven. Below is my Top 5 milk tea.
In the 5th spot is SERENITEA. Though it tasted just ok for me I was not happy about the price. The price was not congruent to the taste and the experience I had. I am also confused with the flavors they have(nakalagay kasi na flavor nila, OKINAWA,HOKKAIDO, mejo weird walang description di mo tuloy alam kung ano oorderin lalo na kapag 1st time)
But the time has come for everyone to appreciate the goodness of milk and tea. I can confidently say(as in confident talaga!) that milktea is a trend nowadays. This is very popular especially for those who are near the University belt. In the vicinity of our school we have lots of milk tea stores sprouting like mushroom. The first one that opened was Simple Line milk tea. Honestly when I first tasted milk tea I almost vomit my stomach out(as in nakakasuka talaga, lasang kahoy) because of the woody-leafy-ish taste it has. Actually the milk tea store I stated closed for sometime time, and the reason was still a mystery for me. Years after, the milk tea store opened again with a wider array of choices. And the taste? Oh my golly it was nice!(ang sarap na nya hala!). I loved the flavor caramel milk tea with tapioca. I think they finally figured out how to somehow kill the woody leafy-ish taste. Then after their success few other milk tea stores arose. I also tried other milk teas. Some tasted good, some tasted horrible and some tasted like heaven. Below is my Top 5 milk tea.
In the 5th spot is SERENITEA. Though it tasted just ok for me I was not happy about the price. The price was not congruent to the taste and the experience I had. I am also confused with the flavors they have(nakalagay kasi na flavor nila, OKINAWA,HOKKAIDO, mejo weird walang description di mo tuloy alam kung ano oorderin lalo na kapag 1st time)
going in 4th is HAPPY LEMON. Taste wise ummmmm. It was good, especially the oreo milk tea and cocoa
with foam cheese. When it comes to price it's worth it naman. Kaso pansin ko lang mejo maliit ung container ng large nila. Un, try nyo. Masarap naman eh.
on the 3rd spot is D'CREAM. Yehes!! very famous to sa aming mga thomasian. May store kasi sila near us. They also offer a wide array of choices,they have coffee,juice and milk tea. Favorite ko ung Chocolate milktea with tapioca nila. Masarap din ung Golden sun. Favorite namin to ng mga classmates ko sobra. Pero once we bought their mejo mali ata ung pagkaka gawa kasi kumulo talaga yung tiyan namin,ewan kung bakit hahaha. Pero masarap sya talaga and once lang naman nangyari. And the best part is mura lang unlike sa iba. 55 pesos makakabili ka na ng Giant size(un ung tawag sa largest nila). Try it ah, affordble naman eh.=)
Landing on the 2nd spot is SIMPLE LINE milk tea. Yes! this is my first milk tea ever, and I am happy that they are expanding. Crowd favorite din to, especially for us thomasians. Because if I'm not mistaken their first store is the one in dapitan at the back of UST. Sobrang sarap lang neto, lalo na ung caramel tapioca and ung wintermelon nila panalo! and the price?! Winner din, with 80 pesos you can enjoy the goodness of wintermelon with tapioca. Favorite namin to lalo na kapag pagod na kami sa duty. Talagang nakaka replenish ng katawan. Nagdedeliver din sila(ang sweet no?='>). Try it pls masarap talaga. Sweet, but still you can taste the kick of tea.
and the best milktea for me!! GONG CHA. Eto ung milk tea na lasang heaven!hahaha. Ewan pero it tastes so surreal talaga. Not to sweet not to bitter. And the flavor choices is awesome, but i only buy GONG CHA ALISAN WITH PUDDING(syempre stick to one ako!). Crowd favorite din ung wintermelon nila, noong una I thought O.A lang ung mga classmates ko pero when I tried it,,,,,,, OH SHIZZZZ! super sarap nga! basta iba ung gong cha. Di mo na mapapansin kahit magbayad ka ng mahal(120 pesos ung worth ng lagi ko binibili) masarap kasi talaga and ung container nya ang ganda, pwede irecycle,it's hard plastic. Try it pls ang sarap talaga. Kung first time mo mag wintermelon ka para safe. Basta no regrets talaga.
yan ebidensya masarap talaga.
with kyra and bianca,favorite namin talaga to.
That's it! and to end this blog I just want to say that drinking milk tea is not a status symbol(ung tipong pang mga mayaman lang and conyo ung milk tea no it's not .). We do not drink milk tea to appear cool because I know I am already haha. We choose to drink milk tea because of the health benefits we can get from it, instead of having coffee of softdrinks. We go for milk tea. Try it ok.
(i do not own the first five photos, credits to the owner)
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)