Isa sa mga pinakaaabangan sa mundo ng UAAP ay ang cheerdance competition. Ito ay nilalahukan ng walo sa pinaka mahuhusay na pamantasan sa Pilipinas.
Adamson Pep Squad
ang larawan ay kuha noong UAAP CHEERDANCE 2011
Ateneo Blue Babble Battalion
kuha ang larawan noong UAAP CHEERDANCE 2011
Lumaban sila gamit ang temang bollywood.
DLSU Pep Squad
kuha ang larawan noong UAAP CHEERDANCE 2011
ang kanilang inihandog ay kinagiliwan ng lahat at nagbigay sa kanila ng lugar sa Top 3 ng nasabing patimpalak.
FEU Cheering Squad
nagpamalas ang unibersidad ng isang Indian inspired na pagtatangahal,nabigo man sila na mabawi ang kampeonato. Matagumpay naman silang nakasama sa Top 3 ng patimpalak
NU Pep Squad
malaking pagbabago ang ipinakita ng NU noong UAAP CHEERDANCE 2011 sa kanilang Matador inspired routine. Pinahanga ng koponan ang marami ngunit tila di pa ito sapat para makapasok sila sa pinapangarap na Top 3 spot. Nangangahulugan lamang ito na di na uso ang dehado o llamado. Lahat ay may laban.
UE Pep Squad
Taon taon ay nagpapamalas ang koponan ng University of the East ng malaking pag unlad sa larangan ng cheerdance. Hindi pa man pinapalad na makatungtong ang koponan sa Top 3 sa ngayon alam nating walang imposible.
UP Pep Squad
Hindi nabigo ang koponan na mapanatili sa kanilang mga kamay ang kampeonato. Sa pangalawang magkasunod na taon ay pinahanga nila ang lahat sa kanilang Madonna inspired routine na nagpamalas ng kanilang gilas sa pag sayaw. Mapapansin din ang kanilang buhok na pare pareho ang kulay, nagpapakita lamang ng kanilang dedikasyon at pagkakaisa.
University of Santo Tomas Salinggawi dancetroupe
muli ay nagpamalas ng di matatawarang gilas sa larangan ng cheerdance ang 8-time UAAP CHEERDANCE champions noong nakaraang taon, ngunit kinapos sila upang makamit ang pag asang mabawi muli ang korona. "Faith" ang naging tema ng unibersidad na siya namang kinagiliwan ng marami.
Sa darating na Setyembre 22, 2012 magaganap nanaman ang sagupaan ng walong koponan para sa tagumpay na makapasok sa Top 3 o makuha ang kampeonato. Maraming criteria ang pinagbabasehan sa pagbibigay ng puntos. Nariyan na ang gilas sa pagsayaw,pagtumbling,pyramid,tosses pati ang pagchecheer ng sumusoporta sa koponan. Malaki din ang impact kapag maganda ang tema na napili nila. May iba't ibang kahinaan at kalakasan ang bawat koponan. Tulad na lamang ng 3 sa pinakaaabangan sa kompetisyong ito.
Sila ay ang UST Salinggawi dancetroupe,FEU Cheering Squad at UP Pep Squad. Mahuhusay din ang lima pang mga kalahok ngunit sa aking palagay ay nakasanayan na na ang tatlong ito ay talagang tinututukan.
Ang FEU Cheering squad ay binubuo ng mga kalahok na may di matatawarang gymnastic skills. Di maitatanggi na sila ay isa sa may pinaka mahuhusay na atleta sa mundo ng cheerdance sa bansa. Flexible ang mga babae sa kanila na nakkatulong para makagawa ng magagandang pyramid at partner stunts. Ibang klase din ang pagtumbling ng mga lalaking miyembro nila na tila nililipad lang ng hangin.
Pagiging Graceful, gilas sa pagsayaw at kakaibang pyramid naman ang malakas na panlaban ng 8-time cheerdance champion. Di ito nakapagtataka dahil sila ay binubuo ng mahuhusay na mananayaw sa iba't ibang genre. Noong ako ay nakapag training kasama nila noong summer ng 2012, napansin ko na may mga ballerina, gymnast, contemporary,folk at hiphop dancer na miyembro. Ito marahil ang dahilan kung bakit sadyang iba ang karisma ng kanilang pag galaw.
Kakaibang tema at originality naman ang pinakamalakas na sandata ng UP Pep squad,sino ba naman ang makakalimot ng gamitin nila ang pang etnikong sayaw para sa kompetisyon.At nung kamakailan lamang ay si Madonna naman ang naging inspirasyon. Kilala sila sa ka kagiliw giliw na tema na talagang nagdadala ng kakaibang ligaya sa mga manonood. Kaya naman di nakapagtatakang dalawang ulit na nilang nasusungkit ang korona sa dalawang magkasunod na taon.
Kahit ako ay nasasabik na sa tunggaliang magaganap sa darating na Setyembre 22, 2012.
Marami akong naririnig tungkol sa gagawin ng bawat kalahok. Ngunit ang masasabi ko lang ay "tignan natin" mahirap maging kampante sa panahong ito sapagkat bawat isa sa mga kalahok ay talaga namang puspusan na ang paghahanda. Ano man ang maging resulta ng kompetisyon sana ay masaya itong tanggapin ng mga kalahok at mga taga subaybay. Hindi madali ang maging miyembro ng isang cheering squad o pepsquad. Nakakapagod ito at talagang kumakain ng oras. Nasasabi ko ito sapagkat naranasan ko din ito noong ako ay makapagtraining kasama ng UST Salinggawi dancetroupe. Masasabi kong mapalad ako dahil bukod sa pumayat ako dahil sa pagod(sobra promise!) madami rin akong natutunan na magagamit ko para sa sariling pep squad ng aming college(UST-College of Nursing). Saludo ako sa inyong lahat at goodluck galingan nyo!
GO USTE!
GO USTE!
GO USTE!
GO!
GO!
GO!
GO!
VIVA SANTO TOMAS!
(yan ung famous cheer namin)
(i don't own the pictures, credits to the owners.)