Mga Pahina

Martes, Setyembre 25, 2012

"masakit talaga, di maipaliwanag"






Kanina habang nakikinig ako ng radio show sa aking paboritong istasyon, may isang babae ang humihingi ng payo ukol sa problemang kinakaharap nya. Mag aanim na buwan na daw sila ng kanyang boyfriend na nakilala lamang nya sa isang social networking site. Naging mabuti naman ang pakikitungo nila sa bawat isa. Hindi ko na ikkwento ng buo kasi di naman yun ung focus ko ehh haha. Ayon sa dalaga iba raw ang pakiramdam ng nagmamahal at minamahal(kung talaga ngang minamahal sya). Kaya naman pagkagising nya isang araw nakita na lamang nya sa tinurang social networking site na binura na sya ng lalaki sa friends list nya. Tawang tawa ako kasi diba? bakit ka magmamahal ng taong di mo pa nakikita at sa isang virtual space lang kayo nagkakausap. Di ko napigil ang sarili ko at nagtext para makapag komento. Sabi ko sa text ay "nako ang arte naman ng caller sa radio pa umiiyak". Maswerte ako at nabasa ng DJ ang aking komento. Di naman nag atubiling sumagot ang caller at sinabing "di naman ako umaarte eh, siguro di pa nararanasan nyang nagcomment tong dinadanas ko ngayon, sa mga walang lovelife jan kakainin nyo rin ung sinasabi nyong kaartehan lang ang pag iyak kapag broken hearted,masakit talaga, di maipaliwanag. Mararanasan nyo rin to, tapos saka nyo sabihing kaartehan lang". Tila ay sinampal ako ng taong di ko kilala. Binalot ako ng hiya sa loob ng ilang segundo. Tumakbo sa isip ko ang maraming bagay. Ngunit nakuha ko pang magpost at pagtawanan ang sinabi nya. Pero sa pag lipas ng ilang minuto sumagi nanaman sa isip ko ang sinabi nya. Totoo nga naman siguro ay di ko pa dinanas ang pinag dadaanan nya kaya malakas ang loob kong libakin sya sa kanyang estado, malakas ang loob kong pagtawanan sya sapagkat di ko pa nararanasan ang umibig at masaktan(ewww super cheezy na neto). Ano nga kaya ang pakiramadam ng broken hearted no? parang masakit na ipin kaya yun? yung kahit anong gawin mo nararamdaman mo pa rin, ung di ka makatulog kasi ginigising ka nito?. Nabagabag din ako sa sinabi nya na "mararanasan nyo rin to,tapos saka nyo sabihing kaartehan lang" kasi paano nga kung pagdaanan ko? kayanin ko kaya? ano kayang mangyayari sa akin? gaano katagal? ang dami kong tanong, mga tanong na di ko rin masagot dahil utang na loob sa loob ng 18 years kong pananatili sa daigdig di pa naman ako nainlove o nasangkot sa mga ganyang bagay(hay salamat!). Siguro ay dadating din ako dun, at sana kung mabibigo man ako ay kayanin ko, wala sanang pag iyak na maganap. ayaw ko kasing mapahiya. Pero kung mamalasin at masaktan ng todo ung tipong tatawag din ako sa radio para mag kwento, tatanggapin ko nalang, at aalalahanin ang aral na sinabi ng isang taong di ko kilala pero nakapag pa isip sa akin ng sobra. Kaya kung sino ka man salamat, dahil sa pagiyak mo(kaartehan) napagisip mo ako ng mga bagay bukod sa pag sayaw, pagaaral at pag lalakwatsa. May bago pa akong blog entry! hahha. 



*Hindi po ako inlove, talagang napukaw lang ng isyu na yan ung atensyon ko.

Lunes, Setyembre 24, 2012

Kris Oliver A. Estares RN.MD.


"but I have promises to keep, yes, promises to keep"

Ako ung batang lumaki sa ospital. Lumaki sa ospital hindi dahil doctor o nars ang mga magulang ko. Lumaki ako sa ospital dahil halos sa buong buhay ko noong elementarya ay pinahihirapan ako ng aking sakit(chronic bronchial asthma). Noong ako ay umabot na sa ika-4 na baitang sumapit sa buhay ko ang isa sa maituturing kong isang pagsubok sa aking buhay sa pagkat muntik na akong mabulag dahil sa natalsikan ng bubog ang aking kaliwang mata. Akala ng aking magulang ay tuluyan na akong mabubulag. Di ko rin alam kung ano na ang mangyayri sa akin. Basta ipinaubaya na namin ang lahat sa Diyos at sa mga kanang kamay nya sa lupa, ang mga DOCTOR at NURSE. Pagtapos ng napakahabang operasyon di ko na inaasahan na may makikita ako pag alis ng benda sa aking mga mata. Ngunit mali ako. Dininig ng Diyos ang panalangin ng pamilya ko.Lubos lubos ang pasasalamat ko sa kanya. Noon tumatak sa isip ko na kailangan kong maging isang doctor sa aking pag tanda.Wala akong ideya kung gaano kahirap ang lakbayin patungo sa aking pangarap. Basta ang alam ko lang ay gusto ko at gagawin ko. Napakalakas ng dating sa akin ng mga nurse at doctor. May kakaibang pag galang akong nararamdam sa tuwing nakikita sila. Hangang hanga ako sa lakas ng loob nila na hawakan ang buhay ng kung sino man ang nangangailangan. Nang dumating na ang panahong kailangan na naming pumili ng kanya kanya naming direksyon sa kolehiyo ay lalong umigting ang aking pangarap. Sa tuwing ako ay kukuha ng pagsusulit sa mga paaralan lagi kong isinasaisip na dapat ang kukunin kong kurso ay yung pwedeng premed(kursong may koneksyon sa medisina) kaya naman ay pinalad akong mapunta sa UST-College of Nursing(pinaka tinitingalang kolehiyo ng narsing sa pilipinas). Noon naging malinaw sa akin ang dapat kong harapin ngayon unti unti kong tinutupad ang unang hakbang patungo sa pangarap ko. Ang mga salitang tulog at kain ay di mo na masyadong maririnig. Puro puyat, pagod at gutom lang. Kung hindi talaga mahal ng iyong pagkatao ang ginagawa mo susuko ka agad. Pero kung mahal mo ang trabaho mo uuwi ka ng masaya galing sa iyong duty. Ngayon pa lamang ay napakarami ko nang hirap at sakripisyo para sa pangarap na sinasabi ko. Pero bakit ako magrereklamo. Eto ang gusto ko eh, dapat panindigan ko. Wala akong pakielam sa mga nagsasabing di akma o hindi ko kaya ang medisina hihintayin ko nalang ang panahon na maging pasyente ko sila at ipapakita ko na mali lahat ng kanilang sinabi. Ayon sa mga estudyante ng Medisina sa UST talagang napakahirap ng pagdadaanan mo. Doble ang puyat doble ang pagod at doble ang aral. Pero pangarap ko to eh. Bakit ko susukuan? titigil ako kasi sabi nila mahirap?bakit? para mas marami kaming sumuko? haha sa tingin ko ay hindi. Alam kong may mga taong nangangailangan ng dunong ko. May nangangailangan ng pagkalinga ko. Kaya naman eto ako sige lang ng sige. Para maging Kris Oliver A. Estares RN,MD.