46 na iba't ibang tao
46 na iba't ibang ugali
46 na iba't ibang topak at malalakas na trip
46 na iba't ibang estado sa buhay at pangarap
ngunit may iisang puso para sa isa't isa.
MAGULO..
SAKIT NG ULO..
TAMAD..
MAINGAY..
mga katangiang pilit idinidikit ng ilan sa aming lahat. Masasabing hindi kami ang pinkagigiliwang pangkat sa kolehiyo ng narsing sa UST. Marahil ay di nga nila kami kilalang lubusan.
Sa ilang taon kong kasama ang 45 na taong na hindi ko kamag anak o kadugo di ko kailanman naranasan ang mahusgahan, maapi o maramdamang may kulang sa akin. Di ko malimutan ang walang tigil nilang pagpilit sa akin na sumama sa mga party ng batch namin(di kasi talaga ako pumupunta kasi antukin ako ehh, oo mahilig talaga sa party ang batch namin. At sa bawat party hindi pwedeng walang section 4 na present!). Gusto kasi nila magkakasama ang bawat isa sa tuwing may pagkakataon na mag saya dahil sobrang kinakain ng pagaaral ang aming panahon upang maranasan na kami ay bata pa.
Napakaraming pagkakataon na sinubok ng panahon ang tibay ng bawat isa sa amin. Sa pagluha ng isa, agad agad na mayroong handang lumapit, may handang magtanong, may handang magbigay ng payo at may handang saluhan ka sa problemang dinadala. Ako mismo ay biktima ng mapaglarong pagkakataon, matagal na sinubok ng mga problema. Marahil kung hindi tulad nila ang mga kasama ko ay sumuko na ako. kung may mga taong di magsasawang tutulong sayo ng walang sumbat at walang pagod sino ba naman ang panghihinaan ng loob na magpatuloy sa buhay.
Habang buhay akong magpapasalamat sa diyos at binigyan nya ako ng pagkakataong makasama ang section na nagturo sa akin ng maraming mabubuting bagay. Ang nagbukas sa mga mata ko sa maraming posibilidad sa buhay. Dahil sa kanila lumaki ang kumpyansa ko sa aking sarili. Sakanila ko nalaman na magaling pala ako sa maraming bagay, na marami pala akong kayang gawin. Sila na nagturo sa akin na ipakita na nasasaktan din ako. Tinuruan nila akong tanggapin na hindi ko kaya magisa ang buhay. Dahil sa kanila nalaman ko na mayroon pala akong maituturing na mga totoong kaibigan. Minsan nga ay nasasabi ko sa sarili ko "totoo bang ganito nila ako ka mahal?" ibang klase talaga eh. Hindi ko maipaliwanag ung malasakit na meron sila sa akin. Sila yung nagparamdam sa akin na " kris ok lang umiyak, sige na". At higit sa lahat dahil sa kanila naniwala ako sa salitang "TIWALA LANG!". Tinanggap nila bawat kahinaan ko, lalo na ung duty group ko(both ung una and ung pangalawa). Kahit pinagtatawanan nila ako sa tuwing magdedemo kami ng injection(kasi sa sobrang takot ko di ko talaga mapigil umiyak,kakahiya) meron paring mahigpit na nakahawak sa kamay ko, nagpapaalala na hindi ako iiwan.
Madalas sinasabi ng mga kaklase ko na ako daw ang nagpapasaya sa kanila at sa klase. Pero di nila alam kung gaano din ako ka saya na nakasama ko sila. Eto ata ung unang pagkakataon na sasabihin ko to. Sobrang mahal na mahal ko ung section 4-4. Di kasi ako showy eh. Wala akong ibang ginawa kung di asarin silang lahat, kulitin o kaya guluhin ung mga natutulog. Pero lahat un natiis nila sabi nga nila kapag may mga prof. na nagtatanong kung paano sila nakakatagal sa kulit ko "sanayan lang yan".
Siguro nga may mga magandang bagay na kailangan bigyan ng ending. Kahit nga ung mga magagandang palabas sa T.V, pelikula o kanta may katapusan eto pa kayang pinakamagandang regalo sakin ni papa God. Pinaalam lang nya sa akin lahat ng di ko alam sa buhay ko, tapos sila ung naging way.
Di ko inexpect na magiging ganito kahirap sakin na magpapatuloy ako na hindi ko na kasama ung epic support system ko. Di ko alam kung paano ulit magsisimula ng di sila kasama. Ang dami kong takot. Iniisip ko nalang na maghihiwahiwalay naman talaga kami eh may kanya kanyang pupuntahan. Ang mahalaga nalang sa ngayon ay yung matapos ko yung sarili kong laban. Panghahawakan ko ung lagi nilang sinasabi sa akin na "lagi ka naming hihintayin!"
lalo na ung mga simpleng ganito, tear jerker talaga eh.
Maraming salamat 4-4 my loves. Kung ano mang marating ko sa buhay, malaking part kayo nun promise. Salamat sa paghihintay. Thanks for making me feel loved.
Congrats sa inyong lahat!
I Love You All!