AN OPEN LETTER TO 4-4 MY LOVES
(CONGRATS TO ALL)
-lahat kayo may special mention jan!
ilang araw mula ngayon. tapos na ung isa sa mga struggles niyo sa buhay. hindi birong matapos niyo yung nursing ng humihinga pa at nasa katinuan kasi hindi talaga sya madali kaya dahil diyan dapat pinapalakpakan kayo! *clap!clap!clap!
alam nating lahat na ang section natin ay isa sa mga hindi masyadong gusto ng mga prof. pero yun nga, paulit ulit na lang hindi ibig sabihin nun hindi kayo mabuting estudyante at higit sa lahat hindi ibig sabihin nun na hindi kayo mabuting tao. May kakaibang paraan lang siguro ang diyos sa paggawa sa section natin. pinagsama sama nya tayo kasi kailangan natin ang bawat isa. kaya sana take the time para pasalamatan bawat classmate natin. dahil aminin nyo man at hindi. you keep a special moment o kaya memory with them.
hindi naging madali yung apat na taon para sa inyong lahat. may mga oras na gusto mo na lang matunaw sa kinatatayuan mo kasi di mo na alam yung gagawin mo. may mga taong ginawang miserable yung buhay natin. May mga nagpanggap na tutulungan tayo pero sa huli pinaasa lang pala tayo, eto nga ung sabi nya oh! "guys magtutulungan tayo, wlang babagsak!". maraming sakripisyo maraming, maraming pagod, maraming luha pero sa huli kung iisipin mo ikaw din ang makikinabang sa lahat ng ibinigay mo, kaya naman ayan, gagraduate kayong lahat.
maraming pagkakataon na sinubok tayo ng buhay natin, like me alam nyo naman diba. binanggit ko to di dahil gusto ko mag gain ng respect or sympathy from all of you. sinasabi ko to para malaman nyong lahat kung gaano kalaking pagbabago ang dinala nyo sa buhay ko. thank you sa inyong lahat kasi di kayo nagfafail na ipadama sa akin kung gaano karami yung nagmmahal sa akin, ipinaalam nyo sa akin na magaling pala ako sa maraming bagay, tinuruan nyo akong tanggapin na di ko kaya yung buhay mag isa, na ayos lang umiyak, tapos dahil sa inyo naniwala ako sa salitang "tiwala lang". kung wala siguro kayo ewan ko na kung anong nangyari sa akin.
matatapos din ako friends. at sa araw na un. isa kayo sa pasasalamatan ko. promise di ako nagbibiro. sabi ko ayaw ko na magmukang dramatic pero gusto ko talaga gawin tong letter na to para sa inyo. habang isa isa kayong nag uupload ng grad pic di ko maexplain ung saya para sa inyo. congrats sa inyo. malayo ang mararating nyo kasi totoong tao kayo. mkay malasakit sa bawat isa. tutulong hanggat kaya. yan ang section ko! habambuhay akong magpapasalamat kay God kasi binigyan nya ako ng pagkakataon na maging parte ng pamilya na tulad ng 4-4
christian: you don't need more height, your kindness yung importante. naalala ko lahat ng effort mo for vaudeville and you gain so much of my respect
doggi: kahit lagi kang basag sa akin wag kang magagalit ganun ako magmahal hahah.
celine: hi 1st year seatmate, sobrang laki ng ginanda mo since them pero you mange to stay humble. love you!
chloe: hello there miss kpop!
meg: oy te! isa ka sa mga unang friend ko sa section natin remember our taxi ride sa esperanza health, hahha tas videoke after. grabe memory ko no! salamat sa lhat ng libre!
mark: the man with the golden voice,hahah congrats!
mina: though we don't have the chance na magkausap palagi I can say na your not just a pretty face. kind heart din.
ate pat: thank you for being the ate that I need during our duty, thanks for laughing sa lahat ng jokes ko. remember nung umiyak ka na sa sobrang pikon mo sa amin ni mick?haha love you.
jess: isa ka sa mga taong sobrang laki ng respeto ko,kahit madalas kita galitin. naalala ko nung mas inuna mo pa iprint yung biblio ko kesa yung sayo. tapos ikaw yung nahirapan kasi di mo pa naprint yung iyo the you have to go out in the middle of the night to have yours printed?? sobrang love kita dahil dun. tunay na kaibigan! salamat!
dess: naging tambayan ko din ang dorm mo dati together with bea espanol. hahaha
kath: dalasdalasan mo pa ang pag sali sa mga event na mag eexpose sa ganda mo, sayang ehh
sittie: alam mo naman na misinterpreted ka minsan sa class natin diba. pero maniwala ka love ka namin, your a kind person, alam mo yan.
marijille: ikaw na! ikaw na talaga!! hahah the elite kid!
iman: hello there, sayo ko natutunan ang ibig sabihin ng party! dahil sa ingay mo umiyak si maam francisco. grabe ka! haha
jam: pinakamagaling na gitarista ever. dahil ikaw lang ang kayang mag adjust sa maganda kong boses. laging ready to give advise. and isa sa pinaka pinagkakatiwalaan ko.:))
nikki: isa ka pa, sali pa sa mga pageant!
louie: ang matalinong bata, tapos mag gain ka pa ng weight tapos perfect ka na! hahah
pao: daig pa natin ang mag ka rle, nagduduty tayong dalawa ng 5:30am to 6pm. tapos naalala mo ung umuwi tayo ng 2am para lang matapos na ung 40 hours natin dahil sa revalida? we mae it.!!
xands: my baby sister from my old rle. laging may say sa lahat ng bagay kaya namimisinterpret minsan, pero dahil dun love kita!!
janniah: laging inaantok,haha dahil sayo na push akong kumanta hahah ung mga kagaguhan natin sa duty epic. only janniah and kris can do!
adriane: ALIEN!
jonah: yung maliit na bata na may malaking camera, tapos kapag lung sa hapag laging gulay! grabe!!hahah
vane: hello there seatmate! alam kong you know my struggles pero di ka lang nagsasalita kasi laam mong yun ang gusto ko thanks for keeping me sane.
meme: isa ka pa. thanks for the company!! the lunchtime!! matututo ka din sumayaw!
elaine: hi rle mate, thanks for always reminding me with the things I need to do during duty.
vince: dahil sayo naging makulay ang lit class natin, hahah lagi kang basag kay sir hibek, pero that means nag mark ka sa kanya:))
rae: ayun di ko alam sasabihin, pero pagnaguusap naman tayo ang daming nating napagkkwentohan, ang galing no?haha
kevin: witness ako sa tiyaga mo, remember streetdance?? laging tayo lng dalawa pumupunta sa practice hahah. knowing na ang layo ng bahay mo. ikaw na!
mara: iiwan mo kami! I miss your yosi break with mick featuring me. natiis ko ung usok ng sigarilyo nyo grabe haha. yung kagaguhan natin sa OR, esp nung night shift natin shet!! "we got this sir! we got this" remember?? hahaha
atheena: my pepsquad flyer!!haha
dy: my high fashion friend
cheska: ches! were together since day 1!! i never knew that we will be this close. thanks sa lahat ng libre, you made me survive pag wala akong baon. youyr super kind. you will go a long way.!
ana: haha estares,estores,estares,estores hahaha kahit super moody ka love kita alam mo yan!! dahil sayo nalaman ko yung hiden talent ko. dahil din sayo natutunan kong tumahimik minsan lalo na kapag iritable ka.hahaha
kier: hahaha kahit lagi kitang inaasar loves kita lam mo yan!hahah
tine: kahit ilang beses na kitang pinaiyak, alam ko love mo ako hahha. sorry!:))
reuben: ikaw na ang pogi! hahaha
ian: sirrrrrr loa!!
mick: tayo na ang pinaka gago sa duty swear.!! iba tayo ehh!haha
rai: thanks for the constant reminer about everything in life. love you!!
ace: hahaha thanks sa pagtanggap sa pagiging pepsquad. haha
arianne: hoy bicolana! haha one of my closest ever!! haha kahit bulol ka magana pa din haha
eli: hello there! you high fashion friend.
bea&janine: isa ka pinaka matabang tao na nilikha ng diyos, nilikha nya para saluhin ang taba sa mundo. haha love ko kayong dalawa! sobra. kahit lagi ko kayong iniinsulto.hahha salamat for making me feel loves everytime.:))
and lastly sa nagiisang tao na nakahalata sa problema ko sa kabila ng lahat ng tawa at ngiti ko.
Ange...........di ko alam paano magpapasalamat sayo. sobrang laking tulong mo sa buhay ko, lahat naging mas madali dahil sayo. di ka nagsawa sa akin. nung ayaw ko, na pinilit mo akong magpatuloy. salamat sa lahat. ibang klase ka. isa sa mga taong totoo. i love you.
ill be forever a 4-4 Batch 2013
Miyerkules, Marso 20, 2013
Linggo, Pebrero 10, 2013
Priceless :'))
46 na iba't ibang tao
46 na iba't ibang ugali
46 na iba't ibang topak at malalakas na trip
46 na iba't ibang estado sa buhay at pangarap
ngunit may iisang puso para sa isa't isa.
MAGULO..
SAKIT NG ULO..
TAMAD..
MAINGAY..
mga katangiang pilit idinidikit ng ilan sa aming lahat. Masasabing hindi kami ang pinkagigiliwang pangkat sa kolehiyo ng narsing sa UST. Marahil ay di nga nila kami kilalang lubusan.
Sa ilang taon kong kasama ang 45 na taong na hindi ko kamag anak o kadugo di ko kailanman naranasan ang mahusgahan, maapi o maramdamang may kulang sa akin. Di ko malimutan ang walang tigil nilang pagpilit sa akin na sumama sa mga party ng batch namin(di kasi talaga ako pumupunta kasi antukin ako ehh, oo mahilig talaga sa party ang batch namin. At sa bawat party hindi pwedeng walang section 4 na present!). Gusto kasi nila magkakasama ang bawat isa sa tuwing may pagkakataon na mag saya dahil sobrang kinakain ng pagaaral ang aming panahon upang maranasan na kami ay bata pa.
Napakaraming pagkakataon na sinubok ng panahon ang tibay ng bawat isa sa amin. Sa pagluha ng isa, agad agad na mayroong handang lumapit, may handang magtanong, may handang magbigay ng payo at may handang saluhan ka sa problemang dinadala. Ako mismo ay biktima ng mapaglarong pagkakataon, matagal na sinubok ng mga problema. Marahil kung hindi tulad nila ang mga kasama ko ay sumuko na ako. kung may mga taong di magsasawang tutulong sayo ng walang sumbat at walang pagod sino ba naman ang panghihinaan ng loob na magpatuloy sa buhay.
Habang buhay akong magpapasalamat sa diyos at binigyan nya ako ng pagkakataong makasama ang section na nagturo sa akin ng maraming mabubuting bagay. Ang nagbukas sa mga mata ko sa maraming posibilidad sa buhay. Dahil sa kanila lumaki ang kumpyansa ko sa aking sarili. Sakanila ko nalaman na magaling pala ako sa maraming bagay, na marami pala akong kayang gawin. Sila na nagturo sa akin na ipakita na nasasaktan din ako. Tinuruan nila akong tanggapin na hindi ko kaya magisa ang buhay. Dahil sa kanila nalaman ko na mayroon pala akong maituturing na mga totoong kaibigan. Minsan nga ay nasasabi ko sa sarili ko "totoo bang ganito nila ako ka mahal?" ibang klase talaga eh. Hindi ko maipaliwanag ung malasakit na meron sila sa akin. Sila yung nagparamdam sa akin na " kris ok lang umiyak, sige na". At higit sa lahat dahil sa kanila naniwala ako sa salitang "TIWALA LANG!". Tinanggap nila bawat kahinaan ko, lalo na ung duty group ko(both ung una and ung pangalawa). Kahit pinagtatawanan nila ako sa tuwing magdedemo kami ng injection(kasi sa sobrang takot ko di ko talaga mapigil umiyak,kakahiya) meron paring mahigpit na nakahawak sa kamay ko, nagpapaalala na hindi ako iiwan.
Madalas sinasabi ng mga kaklase ko na ako daw ang nagpapasaya sa kanila at sa klase. Pero di nila alam kung gaano din ako ka saya na nakasama ko sila. Eto ata ung unang pagkakataon na sasabihin ko to. Sobrang mahal na mahal ko ung section 4-4. Di kasi ako showy eh. Wala akong ibang ginawa kung di asarin silang lahat, kulitin o kaya guluhin ung mga natutulog. Pero lahat un natiis nila sabi nga nila kapag may mga prof. na nagtatanong kung paano sila nakakatagal sa kulit ko "sanayan lang yan".
Siguro nga may mga magandang bagay na kailangan bigyan ng ending. Kahit nga ung mga magagandang palabas sa T.V, pelikula o kanta may katapusan eto pa kayang pinakamagandang regalo sakin ni papa God. Pinaalam lang nya sa akin lahat ng di ko alam sa buhay ko, tapos sila ung naging way.
Di ko inexpect na magiging ganito kahirap sakin na magpapatuloy ako na hindi ko na kasama ung epic support system ko. Di ko alam kung paano ulit magsisimula ng di sila kasama. Ang dami kong takot. Iniisip ko nalang na maghihiwahiwalay naman talaga kami eh may kanya kanyang pupuntahan. Ang mahalaga nalang sa ngayon ay yung matapos ko yung sarili kong laban. Panghahawakan ko ung lagi nilang sinasabi sa akin na "lagi ka naming hihintayin!"
lalo na ung mga simpleng ganito, tear jerker talaga eh.
Maraming salamat 4-4 my loves. Kung ano mang marating ko sa buhay, malaking part kayo nun promise. Salamat sa paghihintay. Thanks for making me feel loved.
Congrats sa inyong lahat!
I Love You All!
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)